Shiela in Bangkok

This is it!

June 18 & 19, 2007

Nakuha ko ang visa ko mula sa Korean Embassy sa Thailand.  Tamad na tamad akong mag-impake ng gamit. Di ako sure kung aalis ako nung time na yon kaya lang kelangan na eh. Dinalaw namin ni Christian si Mam Jen and family. Dun kami nagdinner tapos nagpunta na kami ng airport. Nag-ikot muna kami kasi nga matagal pa naman ang flight ko.  Maya-maya bigla kong naisipang magcheck-in na. Ayy..inaway ko pa si Christian. Tagal magcheck-in. Nakuha pa yong paborito kong toothpaste na close-up kasi 150 ml. Kainis talaga! May nakilala akong Burmese na kasabay ko din sa plane. Binantayan nya yong mga gamit ko habang ako’y bumalik kung nasan si Christian. Sa kasamaang palad, di na pala pwede lumabas sa may waiting area pagkatapos magcheck-in. Huhuhu.  Lumuluha akong nakiusap sa mga tao upang malapitan ko si Christian. Natatanaw ko syang palakad-lakad. Waring hinihintay ang aking paglabas. Tunay na napakadakila ng Panginoon sapagkat may isang superbisor na lumapit at dun ako nakiusap. Ako’y kanyang pinayagan at sa huling pagkakataon kami ni Christian ay nagkalapit at nagkausap. Gusto ko sanang manalangin kasama sya subalit nawala ako sa sarili ko dahil ang tanging mahalaga lang ay makita ko sya ng matagal nung oras na yon. Sinubukan kong tawagan ang aking inay ngunit di eto nasagot. Tinawag na ang aking pansin nung superbisor at kinakailangan ko na daw pumasok. Kami ay nagpaalam sa isa’t-isa at sa wakas dun ko nasambit ang mga katagang noon ko pa nais sambitin.  Pumapatak ang aking mga luha habang binabaybay ang daan patungo sa boarding area. Tahimik akong naupo pagkadating at nag-intay sa aming paglisan. Linisan ko ang bansang Thailand na malungkot pagkat wari ko naiwan ko ang aking puso doon. Lubos ang aking pasasalamat sa Panginoon at nagkita pa rin kami ni Christian at habang ako’y nasa upuan sa loob ng eroplano malapit sa bintana, damang-dama ko ang paglayo namin sa isa’t-isa. Naramdaman ko ang pagkahilo habang tumataas na ang eroplano.  Hinay-hinay itong nagpasaimpapawid at dun ako nagsimulang matulog upang mapawi ang lungkot. Lumipas ang limang oras at kami din ay matiwasay na nakarating sa airport ng South Korea.  Pagkagaling sa Immigration aking kinuha ang aking baggage at dali-dali kong tinahak ang pintuan palabas ng airport. Pagkalabas ko sa pinto, isang matipuno at gwapong lalake ang tumambad sa aking harapan. Eto’y may dala-dalang kartolina kung saan nakasulat ng malaki ang aking pangalan. Kami ay naglakbay ng apat na oras patungo sa paaralan aking pagsisilbihan bilang misyonarya.  Malapit lang sana ang lugar subalit dahil sa trapiko kami’y natagalan. Kami ay umawit, kumain at nagkwentuhan sa loob ng sasakyan at nung malapit na sa paaralan ako’y nakatulog sa pagod.  Fresh mula sa airport ako’y ipinakilala sa principal at sa mga magiging katrabaho ko.  Ako’y kanilang pinatulog sa isang munting silid malapit sa silid-aralan at makaraan ang isang oras ako’y kanilang sinundo at kami ay nagtungo sa isang apartment na aking tutuluyan kasama ang isang misyonarya. Pagkarating dun ako’y nagpahinga ng saglit at natulog na din.

* Napakabubuti nilang mag-asikaso sa akin. Maraming salamat po! Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.

Posted on on July 11th, 2007 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s