Resistensya?

Gaano ba kalakas ang resistensya ko? Siguro mga three weeks na na merong sipon at ubo ang katabi kong Briton dito sa opisina.  Lagi syang sumisinga at umuubo.  Sympre nasa loob kami ng isang maliit na opisina–kulob.  Me bintana naman pero di pa rin sapat sapagkat marami kami.  Ayon, sa tinagal-tagal ng virus na paikot-ikot dito sa room at sa napakadaming gawain na ibinibigay sa amin..finally, gumive up na ang aking katawan.  Kahapon medyo pahatching-hatching lang ako.  Kagabi me paunti-unti ng sipon.  Sa pagod, nalimutan kong magsampay at isara ang bintana at pinto ko bago matulog.  Wala pa nga sa plano yong pagtulog ko na yon e.  Nakahiga lang nagmumuni-muni tapos ayon nagising nalang ako na masakit ang ulo at sinisipon.   Ngayon ay Biyernes.  Dapat masaya ako.  Dapat maganda ang pakiramdam ko kasi nga magweweek-end na naman tapos me festival pa dito sa lugar namin.  Paano na ko gagala nito? Ay teka..mamaya pala aawit pa kami sa isang church.  Ininvite kasi kami.  God bless me, please! Sana maging ok na pakiramdam ko.  Ayoko nito.  Lalo na at walang nag-aalaga sakin.  Wala si mommy na magluluto ng lugaw na may manok.  Wala si mama na bibili ng gamot.  Wala si lola na magtitimpla ng lemon juice.  Wala si lolo na magpipray para sakin.  Wala si Nonoy at Portia na mangungulit at manunukso na nagdadrama lang daw ako.  Ayoko na! Pagod na ako kakakuha ng tissue galing sa tissue box.  Ang sakit talaga ng ulo ko!:-(

October 9th, 2008

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s